PABULA
Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kinapupulutan ng magandang aral. Mga hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap na pangunahing tauhan dito.
Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kwento ay “kwentista”, “pabulista” naman ang tawag naman sa manunulat ng pabula.
Elemento o Bahagi ng Pabula
- Tauhan
·
Ito ang anumang hayop na gumaganap sa istorya o kwento.
- Tagpuan
·
Tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagdausan ng kwento at
istorya. Maaari itong maging dalawa o higit pa.
- Banghay
·
Ito ang kabuuang pangyayari na naganap sa kwento.
- Aral
· Ito ang mga mahalagang matututunan pagkatapos mabasa ang kwentong pabula.
Mga Halimbawa ng Pabula:
Ang mga sumusunod na
maikling kwentong pabula na iyong mababasa ay mga pabula ni Aesop na muling isinalaysay sa wikang
Filipino ng PinoyCollection team.
Narito ang mga
halimbawa ng pabulang tagalog na may aral.
Ang Lobo At Ang Kambing
May isang lobo na nahulog sa tuyong balon. Sinikap niyang
tumalon ng mataas upang makaahon ngunit ito’y bigo. Lubhang malalim ang balon
na kanyang kinahulugan.
Maya-maya’y dumating ang isang
kambing na uhaw na uhaw. Narinig nito ang tinig ng lobo kaya siya’y agad na
lumapit sa balon.
“Marami bang tubig sa loob ng
balon?” tanong ng kambing sa lobo.
“Oo, napakarami!” ang
pagsisinungaling naman na sagot ng lobo.
Dahil dito’y agad na tumalon ang kambing sa balon at doon niya nalaman na
siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong
bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng tusong lobo.
“Mamamatay tayo sa uhaw at gutom
dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito,
magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin
iyon,” wika ng lobo.
“Papaano?” tanong ng kambing.
Ipinatong ng lobo ang mga paa sa
katawan ng kambing.
“Ako muna ang lalabas. Kapag
nakalabas na ako, saka kita hahatakin pataas upang ikaw naman ang makalabas,”
pangako nito.
“Sige,” ang sabi naman ng
kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo
sa tulong ng kambing. Noong pagkakataon na ng kambing para tulungan ng lobo ay
agad itong tumawa ng malakas. Sabay sabi ng, “Walang lobong manloloko kung
walang kambing na magpapaloko.”
Pagdaka’y naiwanan ang kambing na malungkot sa malalim na balon.
Aral:
- Walang manloloko kung walang
magpapaloko.
- Huwag agad magtiwala sa iba. Kilatisin at kilalanin muna ng isang tao bago pagkatiwalaan.
Isang araw ay may aso na nakahukay ng buto sa lupa.
Tuwang-tuwa ito at dali-daling kinagat ang buto saka umalis.
Dinala niya ang buto upang iuwi
sa kanyang bahay. Nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog.
Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita niya ang sariling anino. Dahil sa
pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya
iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Pagkaraan ay nalaglag mula sa
kanyang bibig ang butong kagat-kagat nito at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos
ang buto at hindi na muli nakuha pa ng sakim na aso.
Aral:
- Ang pagiging sakim ay walang mabuting
maidudulot kanino man kundi kapahamakan lamang. Mas mainam na maging
mapagpasalamat sa bawat biyayang natatasama.
Noo’y panahon ng tagtuyot. Naghahanap ang isang uhaw na
uwak ng tubig na maiinom. Buong araw itong naglakbay kaya siya’y uhaw na uhaw.
Mamamatay siya sa uhaw kapag hindi siya nakainom ng tubig sa lalong madaling
panahon. Sa wakas ay nakahanap siya ng isang banga na may lamang kaunting tubig
sa loob nito. Subalit ang banga ay malalim at may makitid na leeg. Kahit anong
subok niya ay hindi niya abot ang tubig.
Nag-isip ng paraan ang uwak.
Kumuha siya ng maliit na bato at inilagay sa loob ng banga. Sa bawat maliliit
na bato na iniligay niya sa loob nito ay unti-unting umaangat ang tubig.
Ipinagpatuloy niya nag paglalagay hanggang sa maabot na ng kanyang tuka ang
tubig at siya ay nakainom.
Aral:
- Maging matiyaga at huwag agad sumuko
sa buhay. Ang tagumpay ay naaabot lamang ng mga taong may matinding
pagnanasa na mapangyari iyon. Mas mainam nang sumubok kaysa wala kang
ginagawa upang maging maayos ang buhay na inaasam mo.
Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.
Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.
“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho,
“pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal mong lumakad.”
Hindi ipinahalata ng Pagong na
siya ay nagdamdam. Upang patunayang may maipagmamalaki din naman ay sinagot
niya ang mayabang na kalaban.
“Aba, Kuneho, maaaring mabagal
nga akong maglakad pero nakasisiguro akong matatalo kita sa palakasan. Baka
gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw
bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”
Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng
Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng
Kuneho ang lahat ng kamag-anak niya.
Pinulong niya ang mga ito at
inutusang palakpakan siya kapag matagumpay na naakyat na niya ang tuktok ng
bundok. Iniutos din niyang kantiyawan sa mabagal na pag-usad ang kalaban.
Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.
Maaga ring dumating ang iba’t
ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi ng isang tunggalian.
Kapansin-pansing kung maraming
kamag-anak si Pagong ay higit na maraming kamag-anak ni Kuneho ang nagsulputan.
Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang
mabilis na pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang
laban.
Sabay na gumalaw paakyat ng
bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang mayabang na Kuneho paitaas
na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang kalahatian ng bundok at
lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban.
Maraming naawa sa mabagal na Pagong.
“Kaya mo yan! Kaya mo yan!”
pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay, nanay, kuya, ate, at mga
pinsan.
“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga
kamag-anak ni Kuneho.
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa
pag-isod.
Malayung-malayo na ang naakyat ni
Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang tanawin ang anino ng kalaban. Nang
walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-ngising sumandal ito sa isang puno
at umidlip.
Kahit na sabihing napakabagal
umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang lahat ng lakas upang unti-unting
makapanhik sa bundok.
Nang matanawang himbing na
himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong nagsikap umisud-isod pataas ang
pawisang Pagong.
Palabas na ang araw nang magising
si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang matanawang isang dipa na lamang ang
layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.
Litong nagtatalon paitaas ang
Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat sapagkat narating na ng
masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.
Aral:
- Walang imposible sa taong
nagsusumikap.
- Huwag maging mayabang. Tandaan, ang
taong nagmamataas ay lalong bumababa at ang taong nagpapakababa ay siyang
tinataas.
- Huwag magpaka-kampante sa isang
labanan o tunggalian. Huwag mong hamakin ang kakayahan ng iyong kalaban.